Sinuspindi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) angExpanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Marso 6 na unang araw ng transport strike sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa bansa.

Ito ay upang magamit ang mga behikulong saklaw ng ipinatutupad na number coding kada Lunes dahil na rin sa inaasahang kakulangan ng masasakyan na dulot ng tigil-pasada.

Inaasahang aabot sa 300,000 commuters ang maaapektuhan sa pagsisimula ng transport strike sa Lunes na tatagal hanggang Marso 12.

Nauna nang sinabi ng MMDA na magpapakalat sila ng 25 na behikulong nag-aalok ng libreng-sakay upang matulungan ang commuters.

National

Kahit malayo sa Pinas: Christmas ni Harry, merry!

Ikinasa ang tigil-pasada bilang pagtutol ng mga transport group sa ipinatutupad na public utility vehicle modernization program ng gobyerno.