Nagdulot ng inspirasyon mula sa mga netizen ang viral Facebook post ng isang high school student mula sa San Miguel, Iloilo, matapos niyang ilahad ang kaniyang sitwasyon kung bakit hindi siya nahihiyang magtinda ng tinapay at iba pang meryenda sa loob mismo ng kanilang silid-aralan at paaralan, at hindi iniintindi ang anumang iisipin o sasabihin ng iba laban sa kaniya.
Ayon sa Facebook post ni Leonelle Angelo R. Caoyonan ng Leonora S. Salapantan National High School sa Iloilo, ibinahagi niya ang kaniyang post hindi upang magmayabang kundi upang mag-inspire sa mga katulad niyang may matinding kinahaharap na pagsubok sa buhay.
Ang kaniyang mga magulang pala ay parehong may kapansanan. Hindi na makalakad ang kaniyang tatay at ang nanay naman ay may vision problem.
"There are things or words we will really receive from the different people we meet, there are people who mock, there are people who are happy, but this is what I do, even in the beginning, I am not ashamed," ani Leonelle.
"A day spent by many people who shamed me because I sold bread at school but I endured all of that because I did it on inspiration.
Kaya naman may pakiusap si Leonelle sa publiko.
"My father who can no longer walk and my mother has vision problems so I tried to get more help to my parents It's not just to make things worse and add to their problems, so I hope that when you see someone like me, don't mock them when they say bad things, don't laugh at them because all their efforts have the opposite effect difficulties and problems and I'm happy with what I'm doing so I'll do everything just to help my parents…"
"At ito ay hindi sa pagmamayabang o gusto ko sumikat ipinahatid ko itong kuwentong to para magbigay-aral sa kagaya kong mag-aaral."
"At nagpapasalamat ako kay God kasi binibigyan Niya ako ng lakas na loob para sa aking mga problema," aniya pa.
Bumuhos naman ang mga papuri at magagandang salita para kay Leonelle at may iba ring nagpahatid ng kanilang pagnanais na magpaabot ng tulong para sa kaniya.
Nawa ay maging inspirasyon daw si Leonelle hindi lamang sa kapwa kabataan kundi maging sa mga nakatatanda, na patuloy lamang na magsumikap at huwag ikahiya ang mga ginagawa para sa pamilya, lalo't kung marangal naman ito.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!