ILOILO CITY – Wala pang tagas ng langis sa ngayon mula sa lumubog na tanker sa Oriental Mindoro sa Boracay Island, ang pinakasikat na beach destination sa bansa sa Malay town, Aklan province.

"Nagsagawa kami ng monitoring mula noong Sabado at wala kaming nakita," sabi ni Commander Jansen Benjamin, Western regional information officer ng Philippine Coast Guard (PCG), sa isang virtual press conference nitong Linggo, Marso 5.

Nakaalerto ang PCG noong Sabado, Marso 4, matapos na matamaan ang tatlong coastal barangay sa bayan ng Caluya, Antique.

Paliwanag ni Benjamin, naligtas ang Boracay, na mahigit 27 nautical miles mula sa Caluya, dahil sa kabilang direksyon ang ihip ng hangin.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"Ngunit siyempre, maaaring magbago iyon kung magbabago ang takbo ng hangin," babala ni Benjamin.

Nag-isyu ang Department of Tourism (DOT) ng advisory sa mga turista sa resort-island na "maglatag ng precautionary measures."

"Pinapaalalahanan namin ang ating mga lokal na pamahalaan at mga establisyimento ng turismo sa mga natukoy na lugar na magbigay ng tulong sa mga turista (kung kinakailangan) upang matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan," dagdag ng DOT-6.

Tara Yap