TIAONG, Quezon -- Isang 22-anyos na binata na high-value individual (HVI) ang nahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P186,000 sa isinagawang buy-bust operation noong Sabado ng gabi, Marso 4 sa Sitio Lapid , Barangay Lumingon sa bayang ito.

Nakipagtransaksyon ang suspek na si Charles Limbo, residente ng Barangay Poblacion 3, sa intelligence operative na umaktong buyer at confidential civilian informant na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska mula sa kanya ang kabuuang 519 gramo ng pinatuyong marijuana na may tinatayang street value na P186, 840.00, at isang weighing scale.

Reklamong kriminal para sa paglabag sa Seksyon 5, 11, at 12, Artikulo II ng R.A. 9165 ang inihahanda ng Tiaong Police laban sa suspek at ihahain sa Office of Provincial Prosecutor ng Quezon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, sa Lucena City, isang concert spectator ang nahuli ng event security habang papasok sa entrance gate para manood ng concert ng sikat na banda na Mayonnaise noong Sabado ng gabi, March 4 sa Quezon National High School.

Kinilala ang naarestong suspek na si Samuel Dalwampo, 24, residente ng Purok Pagkakaisa, Brgy.  Ibabang Iyam sa lungsod na it. Arestado ito ni Leomer Guillermo, event security habang nagsasagawa ng security protocol sa mga manonood sa general entrance gate, ayon sa ulat ng pulisya ng Lucena City.

Nakuha mula sa suspek ang isang mini glass jar na naglalaman ng mga tuyong dahon ng hinihinalang marijuana. Ayon pa sa ulat, ang suspek ay itinuring ng Lucena City police bilang newly identified drug personality.

Sinabi rin sa ulat na ang kabuuang nakumpiskang mga ebidensya mula sa suspek ay humigit-kumulang 16.30 gramo na may street value na P5,868.00 ay dinala sa Quezon Provincial Forensic Unit Police para sa drug test at laboratory examination.