Nagboluntaryo na si Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde na handa siyang ipagamit ang kaniyang mga sasakyan upang magkaroon ng inisyatibong "libreng sakay" sa commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada sa kanilang lungsod, sa darating na Lunes, Marso 6.

Aabot sa 37 sasakyan na pagmamay-ari ni Arjo ang gagamitin para sa mga maiipit at maabala dahil sa nabanggit na transport strike.

“In my own little way, I am willing to help my district and nearby areas here in QC by providing our own vehicles to help the commuters, especially our medical frontliners,” ani Arjo.

Ito raw ay sa pakikipagtulungan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

37 barangay sa QC ang maaabutan ng tulong ni Arjo.

Nanawagan din si Atayde sa transport groups na makipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang makahanap ng agarang solusyon sa problema.

“I am calling the attention of all the transport sectors to make this strike as their last resort because many public commuters will be affected especially our office workers, students and our medical and hospital workers, among others."