Binalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hindi pa nakikilalang sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa bahay nito sa lungsod ng Pamplona nitong Sabado, Marso 4.

“I am warning all those involved in this killing: you can run but you cannot hide. We will find you,” pahayag ni Marcos sa kaniyang Twitter post.

“If you surrender now it will be your best option,” dagdag niya.

Pinagbabaril umano si Degamo ng mga hindi pa nakikilalang saralin sa harap ng tahanan nito habang nakikipag-usap sa ilang benepisyaryo ng 4Ps kaninang 9:36 ng umaga.

National

DILG, kinondena ang pag-ambush kay Negros Oriental Gov. Degamo

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

“My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” saad ni Marcos.

Ayon sa pangulo, nagkatanggap na raw sila ng sapat na impormasyon mula sa imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing pag-ambush sa gobernador.

“[We] now have a clear direction on how to proceed to bring to justice those behind this killing,” ani Marcos.