Umabot na sa Antique ang oil spill dulot ng paglubog ng isang oil tanker sa Naujan, Oriental Mindoro kamakailan.

Sa Facebook post ng Philippine Coast Guard (PCG), partikular na naapektuhan ang Caluya sa Antique kung saan nakitaan ng makapal na langis ang karagatan nito.

Sa monitoring ng PCG nitong Sabado, Marso 4, kabilang sa mga lugar na nakitaan ng oil spill ang Sitio Sabang, Barangay Tinogboc na umabot sa isang kilometro, Liwagao Island sa Brgy. Sibolo (dalawang kilometro), at Sitio Tambak sa Brgy. Semirara.

Bukod sa Coast Guard, tumulong na rin ang local government ng Caluya sa paglilinis ng baybayin.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Nasa 600 residente o 150 pamilya sa Liwagao Island ang apektado ng insidente.

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Naujan matapos hampasin ng malalaking alon nang masiraan ng makina sa gitna nitong Pebrero 28.

Umaabot sa 800,000 litro ng industrial fuel oil ang karga ng barko nang maganap ang insidente, ayon pa sa PCG.