Matapos igiit ng isang netizen na nasa forty percent umano ang komisyon ni Ogie Diaz noong talent pa si Liza Soberano, may inamin na ang talent manager nitong Biyernes, Marso 3.

“How I wish, forty percent,” sey agad ni Ogie sa kanilang showbiz update segment sa &t=324s">YouTube.

Una nitong pinagsalita ang kapwa talent at co-host niyang si Dyosa Pockoh na isiniwalat ngang nasa ten hanggang twenty percent ang usapang komisyon ng Ogie Diaz Productions sa kaniyang mga proyekto.

Sunod na ipinaliwanag na ni Ogie ang kaniyang side habang nilinaw niya wala siyang intensyong mang-away.

Mercy Sunot ng Aegis, umapela dahil sa lung cancer: 'Pag-pray n'yo ko!'

“It’s not true at all. I was only getting twenty percent,” pagsisimula ng manager.

Dito ay ibinahagi niya ang kaniyang mabigat na gampanin bilang manager.

“‘Pag ikaw nag-aalaga, nagma-manage ka, dapat pag-umpisa pa lang ng talent thirty na. Why? Kasi gagastusin mo siya. Para kang nagluwal ng sanggol na padededeen mo, bibihisan mo, tapos tuturuan mong lumangoy o lumakad,” aniya.

Basahin: Ogie Diaz sa pagiging talent manager: ‘Napakahirap’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sa lahat ng pagtuturo, binabayaran mo ‘yan pero ‘di mo naman sinisingil sa talent kasi bahagi ‘yun ng trabaho ng isang manager,” dagdag niya.

Pag-amin na ni Ogie: "‘Yung totoo kay Liza, thirty [percent] ‘yun. Pero ako na ‘yung lumabag sa sarili kong kontrata.”

Tinutukoy ni Ogie ang pagtalaga ng percent na bahagi sa kikitain ni Liza sa halip ng napagkasunduang parte.

“Makikita mo naman talaga ‘yung sipag ng bata. Makikita mo talaga kay Liza na gusto niya talagang mag-excel, na ma-achieve ‘yung goal niya na mag-artista,” ani Ogie.

“Hindi ako naawa, kundi, ‘Ay, deserve ng batang to,’ kaya twenty [percent] na lang,” dagdag niya.

“Ako rin ang lumabag sa kontrata na ako ang gumawa,” pagpapatuloy ng talent manager para na rin aniya ay makapag-ipon noon si Liza.

Sa parehong vlog, nilinaw rin ni Ogie na hindi para sa kaniya ang naging hiling na tanggapin na ng aktres ang proyektong “It’s Okay To Not Be Okay,” isang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na parehong titulo sa pangunguna ng ABS-CBN.

“Wala na. Gusto ko na rin na makita siya ng fans. Hindi na ‘yun pera-pera eh.”