Labis na nagdadalamhati ang kasintahan ng yumaong college student na si John Matthew Salilig na nilibing na nitong Sabado, Marso 4, sa Zamboanga City matapos itong matagpuang patay noong Pebrero 28 dahil umano sa hazing.

BASAHIN: Nawawalang college student, natagpuang patay dahil sa hinihinalang hazing

"Sobrang lungkot. Iyak nang iyak kasi hindi ko ma-imagine na ganon ko siya makikita. Kasi ang dami pa naming plano sa buhay,” saad ni JB sa panayam ng TV Patrol.

Ayon kay JB, mula nang magkakilala sila ni Salilig noong 2016 hanggang sa maging magkasintahan sila noong 2018, naramdaman niya kung gaano kabuting tao at mapagmahal na nobyo si Salilig.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

"As a boyfriend, mahaba 'yung pasensya niya sa'kin. Lagi niya akong iniintindi. Lagi siyang willing mag-adjust for me.”

Kaya naman, hindi raw niya lubos maisip na ang lalaking pinapangarap niyang makasama habang-buhay, ngayon ay wala na.

"Gusto ko nga sanang siya ang maging last ko. First and last. Ang hirap talaga,” pagluluksa ni JB.

Nang makita ang mga labi ng nobyo noong Pebrero 28, pinapunta raw si JB ng pamilya Salilig sa bahay nila upang ipaalam ang malungkot na balita.

"I was expecting there na I will see him, na nagpapagaling siya. I was so positive. Fini-feel ko talaga na nandon siya. But then, noong ininform sa akin, gone na siya,” malungkot na sabi ni JB.

Humihingi pa rin ng hustisya si JB at mga kaanak ni Salilig sa sinapit nito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang iba pang sangkot sa nasabing krimen.