Nasa walong drum na ng langis ang nakolekta mula sa oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Marso 4.

Sa social media post ng PCG, ang naipong langis ay mula sa baybaying-dagat ng Sitio Sabang, Barangay Tinogboc, Caluya sa Antique.

Gayunman, pansamantala munang itinigil ang cleanup operation upang maprotektahan ang kalusugan ng mga mga miyembro ng response team.

Kumalat ang langis matapos lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro matapos hampasin ng malalaking alon nitong Pebrero 28.

Probinsya

Bagong lisensyadong guro, patay matapos pagbabarilin sa Cotabato

Ang Caluya ay 70 nautical miles o mahigit sa 129 kilometro mula sa pinaglubuganng nasabing barko na may kargang 800,000 litrong industrial fuel oil.