Agad na nag-viral ang kauna-unahang vlog ni Nadine Lustre na may titulong "My Name is Nadine" na nagpapasilip at nagsasalaysay ng ilang mahahahalagang detalye noong panahon ng kabataan ng aktres.

Ipinasilip nga ni Nadz ang fun at memorable childhood niya sa bagong gawang YouTube channel, na may dadalawang uploaded videos pa lamang. May 63.9k subscribers na siya habang isinusulat ang balitang ito.

"Editing this video was a trip!" ani Nadine, kung saan siya mismo ang editor at isang nagngangalang "Chino Villagracia."

"Lot of challenges and long nights but all worth it. Enjoy," aniya.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

"Special thanks to: family and friends who documented these amazing moments," pasasalamat niya sa mga taong pinagkuhanan niya ng mga videos at photos na mapapanood sa kaniyang vlog.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"We will now witness why we call her PRESIDENT NADINE and multi-hyphenate artist of this decade and generation!"

"Ang ganda ng voice ni Nadine… natural storyteller!"

"I like the way your parents supported you growing up… sth that most parents can’t do. They don’t make you feel bad for not going down a conventional path. They’re just there, believing in you. You’re really what you loved, Nadine."

"Even if Ms. Nadine Lustre is one of the popular celebrity in her generation, we know how good she is in keeping her private life, so now I'm very happy and proud of her that she's now ready to share this side of her life. And I so love it, it's so motivating and your speaking voice was so good! Thanks for this, Miss President! Looking forward for moooore!"

Sana nga raw, magtuloy-tuloy na sa kaniyang mga pasilip ng buhay si "President Nadine!"