Nadiskubre ng isang team ng archeologists sa Daanbantayan, Cebu ang mga kalansay na tinatayang nasa 600 hanggang 800 taon na umano ang tanda.
Sa Facebook post ng Municipality of Daanbantayan noong Huwebes, Marso 2, natagpuan ang mga kalansay sa harap ng Cultural Center sa Barangay Poblacion.
Ang nasabing pagkahukay ng mga kalansay ay bahagi ng Savage Archeological Project ng grupo ng archaeologists na pinangunahan ni Dr. Jobers Bersales at suportado ng lokal na pamahalaan ng Daanbantayan.
“The initial assessment is authorized by the National Commission for Culture and the Arts,” saad sa post.
Natansya umano ng grupo na nasa 600 hanggang 800 taon na ang tanda ng mga nakitang human skeletons matapos pagbasehan ang nauna nilang nahukay na Chinese ceramics.
“Radiocarbon dating will be used to determine the age of the human remains,” saad naman nila.