Sinuspindi ng Philippine Basketball Association (PBA) si Meralco small forward Allein Maliksi matapos sakalin ang manlalaro ng Converge FiberXers na si Barkley Ebona sa laban nila sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.

Bukod sa one game suspension, pinagmulta rin ng ₱75,000 si Maliksi.

Nasa ₱5,000 naman ang multa ni Ebona at winarningan na papatawan ng mas mabigat na parusa sa sakaling maulit ang insidente.

Nag-ugat ang insidente nang bigyan ng hard foul ni Ebona si Maliksi, anim na segundo na lamang sa final period at abante ng dalawa ang Meralco.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Pagkatapos ng naturang foul, sinugod ni Maliksi si Ebona sa sideline at sinakal.

Kaagad namang naawat sina Maliksi at Ebona.

Gayunman, na-eject sa laro si Maliksi matapos bigyan ng flagrant foul penalty 2 habang pinituhan lamang ng flagrant foul penalty 1 si Ebona.

Binawalang maglaro si Maliksi sa Linggo kung saan makakalaban ng kanyang koponan ang Phoenix kung saan isisilbi nito ang suspensyon.