Si Manila Mayor Honey Lacuna mismo ang mangangasiwa sa pagpapatupad ng "Oplan: Libreng Sakay” ng pamahalaang lungsod sa unang araw ng transport strike na ikinakasa sa Lunes, Marso 6, ng ilang transport group na tutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Nabatid na kasama ni Lacuna sa personal na pangangasiwa atpagmomonitor sa deployment ng mga gagamitin sa libreng sakay sina Manila Police District (MPD) Director, PBGEN Andre Dizon, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) adviser Dennis Viaje, at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles.

Magsisimula ang pagbibigay ng libreng sakay ng lokal na pamahalaan mula alas-5:00 ng umaga ng Lunes sa Kartilya ng Katipunan.

Ayon kay Lacuna, nasa 10 bus, 17 pick-ups, 3 truck, 2 transporters at isang one command unit ang kanilang ide-deploy sa libreng sakay sa mga rutang: Vito Cruz Taft Avenue hanggangQuezon Boulevard; Espana Boulevard hanggang Welcome Rotonda; Abad Santos Avenue hanggang R. Papa Rizal Avenue; UN Taft Ave hanggangR. Papa Rizal Avenue; Recto Avenue hanggangSM Sta. Mesa; UN Taft Avenue hanggangP. Ocampo St.; Monumento Rizal Avenue hanggang Divisoria; Buendia Taft Avenue hanggang Divisoria; Buendia Taft Avenue hanggangMonumento Rizal Avenue at Buendia Taft Avenue hanggangWelcome Rotonda.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Bukod pa rito, ipagagamit din ang mga e-trikes sa libreng sakay para naman sa secondary roads ng lungsod.