Pawang papuri lang kay Jason Dy ang positibong reaksyon ng fans, at netizens sa brand new music video ng The Voice Philippines champion na napanuod simula nitong Biyernes, Marso 3.

Ito ay kasunod ng naunang release ng Kapamilya singer noong Miyerkules, Marso 1, ng kaniyang latest single para ipagdiwang din ang ikawalong anniversary sa showbiz, at bilang pinakabagong Star Music artist.

One-man band si Jason sa music video tampok ang tila mga alter ego sa bungad ng music video. Pinuri ng masugid na fans ang ilang aspeto ng kanta, at music video kabilang na ang makabago ngunit retro na tema nito.

Lauded din ng netizens ang on-point na fashion sense ni Kapamilya champ sa MV.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Narito ang ilang komento nila sa YouTube channel ng Star Music:

“Let's all appreciate Jason Dy's effort for his MV: the visuals, his performance, the concept are superb and classy vibe ✨❤️ grabe galing at ang ganda. Congratulations Jason & ABS-CBN Star Music! 🙌.”

“This song grows on your mind!!! Literally Uulit-ulit sya sa isip mo 💯I recall him saying in his podcast that he wants to be hands-on with every "song baby" and this shows that he really is GIVING. The vibe, the beats, the MV, the vocals, the concept, REALLY WELL DONE!” segunda ng isa pa sa kabuuang creative output ng Kapamilya R&B singer.”

“This is what the combination of talent, passion, and hardwork looks like!!! Hangang hanga kami sayo, Kuya Jason! Lagi mo kami sinusuprise sa mgaaa ganaps moooooo!! Grabe yung song tapos mas pinalupit pa ng MV. The best! 🔥🔥🔥

“Grabe si Jason, excellence as always in all ways 😭🫶”

“This song is amazing. I like its retro and groovy style.”

“Jason's fashion in this MV gives me BTS' DYNAMITE and Harry Styles' outfits. Such a nice style!”

“Grabeeee, fantastic music video!! Ang ganda ng visuals, and ang catchy ng melody ng song, it gives you that energy and enthusiasm.”

Bukod sa bagong project, si Jason ay nakilala rin sa mga kantang “Diyan Ba Sa Langit,” kaniyang version ng “Be My Lady,” bukod sa iba pa.

Congrats, Jason!