Magpapatupad ang Manila Water ng water service interruption sa ilang bahagi ng Cainta at Taytay, Rizal simula Marso 7 hanggang 8.

Simula 10 p.m. sa Martes, Marso 7, hanggang 4 a.m. ng Marso 8, Miyerkules, ang mga bahagi ng Barangay San Juan, Barangay Santa Ana, at Barangay San Isidro sa Taytay, Rizal at Barangay San Juan sa Cainta ay pansamantalang mawawalan ng tubig dahil sa mga gagawing declogging ng Manila Water sa nasabing petsa at oras.

Ang mga aktibidad sa pag-declogging ay magaganap sa kahabaan ng Victoria Street sa Cainta; at Rizal Avenue, P. Ocampo at Rizal at Maria Clara Streets sa Taytay.

Hinihimok ang mga customer ng Manila Water na hayaang dumaloy ang tubig mula sa mga gripo hanggang sa maging malinaw ang tubig sa sandaling maibalik ang serbisyo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nel Andrade