Binabantayan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Boracay Island dahil sa posibilidad na maapektuhan ito ng oil spill mula sa lumubog na barko sa Naujan, Oriental Mindoro nitong nakaraang buwan.
Idinahilan ng PCG, naapektuhan na ng oil spill ang karagatang sakop ng Caluya sa Antique na kalapit na lamang ng Boracay.
Paliwanag naman ng Marine Environmental Protection Force ng Coast Guard District Western Visayas, nananatiling malinis ang dagat at negatibo ito sa presensya ng "oily waste."
Nitong Pebrero 28, lumubog sa Naujan ang oil tanker na MT Princess Empress na may kargang 800,000 litrong industrial fuel oil matapos hampasin ng malalaking alon.