Sinuspindi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng rider na nakunan ng video habang angkas ang anak na nasa loob ng delivery box kamakailan.

Sa pahayag ng LTO, 90 days suspension ang ipinataw nito sa nasabing rider na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Naglabas na rin ng show cause order ang LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) laban sa rider at pinadadalo ito sa pagdinig ng ahensya sa Marso 6.

Ayon kay LTO-IID Officer-in-Charge Renan Melitante, pinagpapaliwanag din nila ang rider kung bakit hindi siya dapat managot sa mga kasong administratibo dahil sa posibleng paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10666 (Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015), at Section A, Title I ng Joint Administrative Order No. 2014-01 (Driving with an Inappropriate Driver’s License Classification).

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Natuklasan din ng IID na non-professional ang ginamit na lisensya ng rider.

Pinagpapaliwanag din ito kung bakit hindi dapat masuspindik o bawiin ang kanyang lisensya bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle alinsunod sa Section 27(a) ng Republic Act 4136.

Sa naunang television interview, idinahilan ng rider na nagmamadali na silang umuwi dahil inaantok na umano ang kanyang anak na inilagay niya sa delivery box.