Handa na ang 25 na sasakyan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nag-aalok ng libreng sakay sa mga maaapektuhan ng tigil-pasada sa Marso 6.

Nitong Sabado, Marso 4, ipinarada ng MMDA ang mga nasabing sasakyan sa bagong gusali ng ahensya sa Pasig City.

Ang mga nasabing sasakyan ay ininspeksyon nina MMDA Chairman Romando Artes at General Manager Procopio Lipana upang matiyak na nasa kondisyon bago isabak sa lansangan sa Lunes.

Nauna nang tiniyak ng mga transport group na itutuloy nila ang tigil-pasada sa Marso 6 hanggang Maro 12 bilang pagtutol sa isinusulong na public utility vehicles modernization program ng pamahalaan.

Probinsya

Isang pamilya sa Bukidnon, minasaker umano sa loob ng bahay!

Inaasahang lalahok sa tigil-pasada ang mahigit sa 100,000 PUV mula sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON (Region 4A), Bicol Region, at Cagayan De Oro.

Maaapektuhan ng transport strike ang aabot sa 300,000 commuters sa Metro Manila, ayon pa sa MMDA.