Timbog ang apat na suspek nang masamsaman ng ₱5 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Olongapo City. 

Ayon sa ulat ng PRO3 ng PNP, nahuli sa nasabing operasyon ang apat na tulak na sina John Manlangit alyas Bot, Jonathan Pacaco, Arnold Ponciano, at Jayson Villagracia.

Nasamsam sa kanila ang 71.1 gramo ng umano'y shabu na may halagang mahigit ₱5 milyon. 

Samantala, nakapiit na ang mga suspek sa PRO3 matapos kasuhan sa piskalya ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bunsod nito, inihayag ng pulisya na patuloy ang operasyon kontra iligal na droga at kriminalidad sa Central Luzon.