Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, ibinahagi ng Kapuso actor-director na si Xian Lim ang sikreto kung paano nanatiling matatag ang relasyon nila ni Kim Chiu.
“Nasaan kayo ni Kim ngayon pagkatapos ng lahat ng taon na pinagdaanan? I saw you as kids. What have you become in terms of evolution of your relationship? tanong ni Tito Boy kay Xian.
"After so many years of being together, akala mo you give a mark eh na parang ok, after a year, after two years, after five years, after ten years, sasabihin mo kilalang-kilala ko na itong tao na ito. But no, actually you find out more about each other," paliwanag ni Xian.
Ikinuwento rin niya kung ano ang sikreto nila ni Kim Chiu para mapanatiling matatag ang kanilang relasyon.
“I think the secret behind it, is letting each other grow individually and growing together as a couple. So, we respect that about each other," deretsahang sagot ng aktor.
Dagdag pa ng aktor, hindi dapat maging kampante sa isang relasyon kahit matagal na ito at patuloy pa rin ang panliligaw isa't isa.
Aniya, “Hindi rin dapat natatapos ‘yung panliligaw sa isa’t-isa. I think people, once you get comfortable, that’s the danger zone, kapag-relax ka na at kampante ka na kasi nandiyan naman siya."
Inalam din ni Tito Boy ang viral na liham ni Xian para sa kaniyang sarili at tinanong din niya kung ano ang nasa isip ng aktor para gawin ito.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/21/i-made-a-mistake-xian-lim-bakit-at-kanino-nagso-sorry/
Paliwang ng aktor, "I think I made this video, para lang to reached out to people, na parang feel confused... sometimes, it's not going in my way, and I felt that. While making this video, sabi ko, I just want them to be able to relate sa akin, na it's gonna be okay, that they don't need to be worry and they don't need to feel bad because they made mistakes, it is a part of life."