Solong tinamaan ng isang mananaya mula sa Misamis, Occidental ang mahigit ₱18 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Marso 2.

Ayon sa PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 20-30-35-28-18-21 na may katumbas na total jackpot prize ₱18,765,983.80.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’