Hinahinalang mula 2019 hanggang 2021, makailang beses na naakses ng isang kawani ng subway company sa South Korea ang mga personal na impormasyon ng lider ng K-pop powerhouse BTS na si Kim Nam-joon o RM.

Ito ang kamakailang eksklusibong ulat ng South Korean media authority na SBS kung saan napag-alamang isang kawani ng KORAIL ang nahuling ilegal na inakses ang passenger database ng kompanya para makuha ang mga personal na detalye ng BTS member kabilang na ang phone number at address nito.

Dagdag ng ulat, ang hindi pinangalanang suspek ay bahagi umano ng IT department ng nasabing kompanya na mayroong akses sa database ng personal na impormasyon ng kanilang kustomer.

Matapos ang isinagawang internal investigation ng kompanya at dahil na rin sa importanteng nagbulgar sa ilegal na gawain, naaresto ang suspek at agad na sinuspinde ito dahil sa paglabag sa client privacy regulations.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Kabilang sa mga partikular na detalyeng naakses umano sa K-pop star ang naging itinerary sa naging bakasyon nito mula Seoul hanggang Dong Daegu noong 2021.

Isa lang ito sa mahigit 18 beses na pagpuslit sa personal na impormasyon ni RM sa loob ng tatlong taon.

Basahin: Jungkook, binura ang IG account, sinupalpal ang chismis na binibili ng BTS ang milyun-milyong followers – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Depensa ng suspek, dala umano ng curiosity ang naging motibasyon niya sa ilegal na pagsilip ng mga detalye ng K-pop star.

Patuloy namang iniimbistigahan ngayon ng mga awtoridad kung may sangkot na third party o ang potensyal na pagbenta ng suspek sa ilegal na nakalap na mga impormasyon.

Sa kasikatan ng Hallyu sa buong mundo, si RM ang pinakahuling biktima ng tinaguriang sasaeng fans o “stalker” na naiulat nang insidente sa ilan pang K-pop stars kabilang na ang kapwa BTS member na si Jungkook, bukod sa iba pa.