Isinailalim na sa state of calamity ang Pola sa Oriental Mindoro dahil na rin sa pinsalang dulot ng oil spill mula sa paglubog ng oil tanker na MT Princess Empress kamakailan.

Sa radio interview nitong Biyernes, sinabi ni Naujan Mayor Jennifer Cruz, namatay na ang mga isda sa kanilang lugar at apektado na rin ang kanilang beach na ngayo'y itim na dulot ng makapal na langis.

Isa aniya ang kanilang lugar sa apektado ng pagkalat ng langis dahil na boundary ng kanilang bayan ang pinaglubugan ng oil tanker na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial fuel oil.

“Kapag umaalon, makikita mo talaga 'yung dami ng oil spill, ng langis. May mga namamatay na rin pong isda. Nalulungkot nga po kasi 'yung white sand namin, black sand na po,” aniya.

Apektado na rin aniya ang kabuhayan ng mga mangingisda matapos niyang ipagbawal ang pangingisda dulot ng panganib sa kalusugan.

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Matatandaang patungo na sana sa Iloilo ang barko mula sa Bataan nang pumalya ang makina nito at lumubog matapos hampasin ng malalaking alon nitong Martes.