Magkakaloob ng libreng sakay ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa susunod na linggo dahil sa inaasahang transport strike simula Marso 6 hanggang Marso 12. 

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Marso 3, sinabi ni Mayor Ruffy Biazon na nakipagpulong siya sa Muntinlupa Traffic Management Bureau, PNP Muntinlupa, Public Order and Safety Office (POSO), at City Security Office (CSO) para pag-usapan ang kanilang paghahanda sa nalalapit na transport strike.

 

"Bilang antisipasyon sa isasagawang transport strike, inatasan ko na i-deploy ang mga sasakyan ng lokal na pamahalaan—mga flexi truck, city buses, at e-jeeps—maging ang service vehicles ng ating kapulisan para magamit sa Libreng Sakay ng Pamahalaang Lungsod, mula 5AM hanggang 9PM, sa nasabing mga petsa," dagdag pa ni Biazon.

Sa opisyal na Facebook page ng Muntinlupa LGU, sinabi nito na magtatalaga sila ng mga city bus, trucks, flexi vans, e-jeepneys at iba pang sasakyan sa mga sumusunod na ruta mula 5:00am hanggang 9:00pm:

Metro

Yorme, sumagot sa paratang na bumalimbing siya sa politika

✔️ Alabang Viaduct to Sucat and vice versa (East Service Road)

✔️ South Station to Sucat and vice versa (West Service Road)

✔️ South Station to Buencamino and vice versa (Alabang-Zapote Road)

✔️ Biazon Road (Southville III)

✔️ Sucat to Poblacion and vice versa (Baybayin)