Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa inaasahang sa ilulunsad na tigil-pasada sa Marso 6 hanggang Marso 12.

Sa Facebook post ng ahensya, ipinaliwanag ni MMDA chairman Romando Artes, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa pagpapakalat ng mga sasakyang nag-aalok ng libreng sakay.

Aniya, inaalam na nila ang mga maaapektuhan na ruta upang magkaroon ng coordinated dispatch upang hindi ma-stranded ang mga mananakay.

Nitong Huwebes, sinabi ni Artes na pinaplano na nilang suspendihin ang number coding scheme upang maging magamit ang 20 porsyento ng private vehicles na maaapektuhan ng sistema.

Tinatayang aabot sa 300,000 commuters sa Metro Manila ang maaapektuhan ng tigil-pasadang ikinasa ng mga transport group bilang pagtutol sa isinusulong na public utility vehicle modernization program ng pamahalaan.

Metro

South Korean doctors na papuntang Pilipinas, rumesponde sa pasyenteng inatake sa puso sa eroplano