Matapos umanong paglaruan ni Martin del Rosario ang starfish sa isang larawan, abot-abot na pagkundena ang kasalukuyang tinatamasa ng Kapuso actor mula sa netizens.
Ito ang mababasa sa comment section ng nakapaskil pa ring larawan ng aktor sa Instagram kung saan makikitang anim na starfish ang hinango nito at ipinatong sa hubad na katawan habang nasa isang beach getaway sa Coron, Palawan.
Pagpupunto ng maraming netizens, nakamamatay para sa nasabing lamang-dagat ang mahango sa tubig dahil sa sensitibo nitong sistema sa katawan.
“Fatal to take them out of the water, they suffer from carbon monoxide poisoning,” komento ng visual artist na si Niccolo Cosme sa larawan kalakip ang isang link ng article bilang suporta sa kaniyang pahayag.
“Everyone needs to understand the importance of not touching and not removing starfish from the sea. The answer is simple: starfish die when they are taken out of the water. Since starfish cannot stay in the water and breathe, they suffer from carbon monoxide poisoning, which causes them to die from asphyxiation,” segunda ng isa pa.
“Hindi dapat pinaglalaruan ang starfish. They breathe underwater. They suffocate when they are removed from water.”
“Sana hindi mo n lang pinost or better yet take down this post as it will give ideas to those na mga bobo na gagayahin tong ginawa mo,” litanya ng isa pa.
“Respect nature. A starfish shouldn't be touched nor be taken out of the water 😢 ✌🏻”
“Seems harmless at first (para sa mga ignorante like you) BUT please do know na hindi dapat ginaganyan ang starfish. Pinapakealamanan mo at Pinapatay mo ang mga may buhay para lang sa selfie mo. Please be mindful naman!”
“Sorry, but this causes harm to starfishes. 😢”
“Why? Hindi mo na nga dapat ginawa. Pinost mo pa. 🤦🏼♂️🤦🏼♂️🤦🏼♂️”
Noong Nobeymbre 2022, matatandaan ang binatikos ding Halloween peg ni Martin matapos gayahin ang bantog na American serial killer na si Jeffrey Dahmer.
Wala pang pahayag o reaksyon si Martin sa pagkondena ng netizens sa kaniya.