Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang manok sa Michigan, USA, na pinakamatandang manok na nabubuhay sa buong mundo dahil sa edad umano nitong 20-anyos.
Ayon sa GWR, ang manok na si "Peanut" ay 20 years at 304 days old na noong Marso 1, 2023.
Kinumpirma umano ang edad ni Peanut ng kaniyang veterinarian. Nakadaupang-palad na raw niya si Peanut noong taong 2003 kung saan "fully-grown adult hen" na raw ang nasabing manok noong mga oras na iyon.
"[Peanut] is a bantam breed chicken - a Belgian d’Uccle/Nankin mix to be specific - raised from birth by Marsi Darwin, a retired librarian. Bantams are smaller than standard-sized chickens, but are otherwise similar in most respects," anang GWR.
Sa ulat din ng GWR, ibinahagi ni Marsi na bagama't matanda na ang kaniyang alaga, malakas pa rin ito.
“Peanut is a doddering old lady now but she has had quite a life,” ani Marsi sa GWR.
“She has enjoyed vigorous good health all her life […] outliving many of her offspring as well as her parents and quite a few dogs, cats, and feathered friends," dagdag niya.
Ayon pa sa GWR, ang oldest chicken ever na naitala nila ay ang manok na si "Muffy" na nagkaroon ng edad na 23 taon at 152 araw. Isa raw siyang Red Quill Muffed American Game na nabuhay rin sa USA mula 1989 hanggang 2012.