Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang loan program para sa mga magsasaka ng sibuyas sa bansa.

Sa pahayag ng DA-Aricultural Credit Policy Council (DA-ACPC), layunin ng Agri-Negosyo (ANYO) Loan Program na mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na makagamit ng mga pasilidad, makinarya at iba pang equipment ng ahensya upang matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa.

"The loan program is also aligned with the DA’s Optimization and Resiliency in the Optimization and Resiliency in the Onion Industry Network (ORION) Program, which is geared towards a self-sufficient, profitable, and progressive onion industry in the country," ayon sa ahensya.

Ang naturang hakbang ay bahagi lamang ng inilunsad na Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay Project. Kadiwa Ay Yaman, Plants for Bountiful Barangays Movement (HAPAG KAY PBBM) program ng pamahalaan.

Nilinaw din ng DA na nagkaroon ng 100,000 metric tons production losses nitong 2022 dahil sa kawalan ng post-harvest facilities ng mga ito.

Probinsya

30 volcanic earthquakes, naitala ng Mayon; nakataas pa rin sa Alert Level 3