Pinintahan ang estatwa ng Little Mermaid sa Copenhagen, isa sa mga pinaka-iconic na landmark sa Denmark, ng bandila ng Russia nitong Huwebes, Marso 2.
Sa ulat ng Agence France Presse, nakita umano ng mga pulis ang pinintang mga kulay ng bandila ng Russia sa bato kung saan nakatayo ang estatwa ng Little Mermaid nitong Huwebes ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, ang nasabing kaso ng vandalism ay tila senyales ng maysala ng kaniyang pagsuporta sa Moscow, Russia, sa gitna ng giyera nito laban sa Ukraine.
Hindi ito ang unang kaso ng kaso ng vandalism sa estatwa ng Little Mermaid. Noong 2020, pinintahan din umano ito ng "racist fish".
Samantala, nagkaroon na rin daw ng kaso ng pagnakaw sa ulo ng Little Mermaid noong 1964 at 1998, habang ipinuslit din ang kamay nito noong 1984.