Nakakaaliw na memes at nauna nang viral na mga larawang nakunan sa patok na jeep ang sabay-sabay na naglipana ngayon online kasabay ng panawagang #NoToJeepneyPhaseout.
Matatandaang mainit na diskusyon sa Senado, at patuloy na laman ng balita ang polisiya na layon nang pahintuin sa pamamasada ang tinaguriang hari ng kalsada.
Kaisa naman ang malikhaing netizens ng mga tsuper sa mariing pagtututol sa panukalang pagbabago.
Sa Facebook, kaliwa’t kanang memes ang naglipana tampok ang mga larawang una nang nag-viral online, ngayon ay pinagsama-sama ito para palakasin ang kampanyang #NoToJeepneyPhaseout.
Narito ang ilan sa mga iconic na jeepney moments sa internet:
Sa public group na Main Pop Girls sa Facebook, kanya-kaniya ring entry ng ang ilang miyembro na instant good vibes ang hatid online.
Samantala, tuloy na tuloy naman ang ikakasang transport strike ng ilang grupo ng PUV sa bansa.
Basahin: MMDA, handa na vs transport strike sa Marso 6 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Tinatayang aabot sa 300,000 commuters sa Metro Manila ang maaapektuhan ng tigil-pasadang ikinasa ng mga transport group bilang pagtutol sa isinusulong na public utility vehicle modernization program ng pamahalaan.