"DepEd should be sensitive to plight of commuting educators and students as well as jeepney drivers."

Ito ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines nitong Biyernes, Marso 3, matapos ianunsyo ng Department of Education (DepEd) na hindi nito isususpende ang face-to-face classes sa bansa sa susunod na linggo kung kailan ikinakasang isagawa ang transport strike ng mga tsuper.

"DepEd's categorical announcement that there will be no suspension of physical classes due to the weeklong transport strike next week proves its insensitivity and obliviousness to the daily hurdles that students and teachers face in order to come to schools," anang ACT.

Binigyang-diin din ng grupo ang magiging balakid ng mga estudyante sa pag-commute susunod na linggo para pumasok sa klase dahil sa transport strike.

"DepEd's inflexible stance does not make sense amid suspension of physical classes by many higher education institutions," saad ng ACT.

BASAHIN: Ilang unibersidad, nag-anunsyong ililipat ang klase sa online sa susunod na linggo dahil sa transport strike

"If college students are expected to have a hard time coming to school on the days of the transport strike, what more for our much younger pupils? Inaasahan ba ng DepEd na makipagsapalaran sa kalsada ang ating mga mag-aaral atsaka na lamang umuwi at mag modules kung mabigong makasakay? Paano rin naman ang ating mga guro, itatala ba silang absent kung hindi makasakay papunta sa school?" anang grupo.

Pinanawagan din ng ACT sa DepEd na payagan nito ang regional at division offices na magkansela ng mga klase sa mga lugar na higit na magiging apektado ng nasabing strike.

Samantala, nagpahayag din ng suporta ang naturang grupo ng mga guro sa mga PUV driver at operator sa gitna ng kanilang laban sa nakaambang jeepney phaseout na magpapahirap sa kanilang kinabubuhay.

"They are our partners in our daily struggles to do our jobs and earn a living. We feel them and we support their demand for a pro-people modernization of public transportation," anang ACT.