Naglabas din ng saloobin ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno hinggil sa sinapit ng college student na si John Matthew Salilig.

"Mariin nating kinokondena ang fraternity hazing na nauwi sa pagkamatay ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig," saad ni Diokno sa kaniyang Tweet nitong Biyernes, Marso 3.

Dagdag pa niya, wala raw puwang sa lipunan ang karahasan at kalupitan lalo na sa mga paaralan. 

"Walang puwang sa ating lipunan ang karahasan at kalupitan, lalo na sa ating mga paaralan kung saan mga inosenteng mga estudyante ang nabibiktima," anang human rights lawyer.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nanawagan din siya sa otoridad na masusing imbestigahan ang pagpatay kay Salilig at mabulok sa kulungan ang mga may sala.

"We call on authorities to hasten the investigation and ensure that a formidable case will be filed against those behind this gruesome death. Dapat mabulok sa kulungan ang mga may gawa ng karumal-dumal na krimen na ito para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni John Matthew."

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1631353069735665668

Bukod kay Diokno, nagpahayag din si Senador Risa Hontiveros hinggil sa sinapit ni Salilig.

“I condemn in the strongest terms the gruesome killing of Adamson University student John Matthew Salilig.  I am one with John Matthew’s family, and the entire Adamson community, in seeking justice for his untimely death,” ayon sa pahayag ng senador noong Miyerkules, Marso 1.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/03/01/hontiveros-sa-pagpatay-sa-isang-college-student-hazing-has-no-place-in-our-society/

Natagpuang patay ang mahigit isang linggo nang nawawalang college student mula sa Adamson University noong Martes, Pebrero 28, sa Barangay Malagasang, Imus, Cavite, na hinihinalang biktima ng hazing.

Nakita umano ng mga pulis ang bangkay ng 24-anyos third year Chemical Engineering studentsa bakanteng lote sa likod ng isang subdibisyon sa nabanggit na lugar.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/28/nawawalang-college-student-natagpuang-patay-dahil-sa-hinihinalang-hazing/