Kahit na sa kaniyang pangalan nakakabit ang isa sa mga iconic swimwear performances sa Miss Universe, aminado pa ring madalas na mahiya si Catriona Gray sa tuwing magpi-flex ng balat sa publiko.
Ito ang pag-amin ng ikaapat na Pinay Miss Universe kasunod ng endorsement clip para sa isang kilalang clothing brand kamakailan.
“Embracing my best self in my favorite season. 🌞 I'm usually shy when it comes to stepping out in a swimsuit, but it definitely helps when you're wearing such flattering pieces that make you feel your best....and look really good too. 😉🌴” mababasa sa caption ni Cat sa isang paid partnership brand clip sa Instagram nitong Miyerkules, Marso 1.
Pawang papuri lang mula sa fans ang mababasa sa comment section ng beauty queen.
“You usually shy? Seriously? You have one of the most if not the most phenomenal swimsuit performance in the entire MU HISTORY Queen! 😍” agaw-pansin na reaksyon naman ng isang fan sa pahayag ni Catriona.
Matatandaan ang iconic na 2018 preliminary performance ni Cat kung saan nauso ang sikat na slow-mo turn at lava walk sa prestihiyusong pageant.
Depensa ng isa pang fan: “I don’t think she’s shy per se but I think she meant a conservative. She’s just being either coy about it or strategically careful, as some people may be offended by that statement. My opinion only.”
Maaalalang ang beauty queen ay isa ring konserbatibo bilang isang Christian.
“To be honest, I love that about her. Siya yung hindi maya’t maya nagbabalabdra ng mga bikini pics sa socmed, nothing against those many other beauty queens who do pero madalas kasi puro ganun na lang yung laman ng pages nila eh. Like ok, you have the body, we know, pero kailangan talaga nakabikini lagi ang mga posts? 😅” segundang saad ng isa pang follower.
Sa pag-uulat, nasa mahigit 175,000 likes na ang inani ng naturang sponsored clip sa pag-uulat.