Natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unan ng pasyenteng sakay ng nawawalang helicopter na "Yellow Bee" sa karagatang sakop ng Balabac sa Palawan.

Sa pahayag ng search and rescue team ng PCG, narekober nila ang sira-sirang kulay rainbow na unan 13.64 nautical miles o mahigit 25 kilometro mula sa Balabac proper.

Nilinaw ng PCG na kinumpirma mismo ng tiyuhin ng pasyente na pag-aari ng kanyang pamangkin ang unan.

Gayunman, wala pang natatagpuang debris o mga bahagi ng nasabing medical evacuation helicopter sa naturang karagatan.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Matatandaang naiulat na nawawala ang helicopter na may tail number N45VX habang sakay ang isang pasyente, dalawang kaanak nito at isang piloto habang patungong Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke's Point, Palawan dakong 12:10 ng hapon ng Marso 1.

Sinundo ng nasabing helicopter ang isang pasyenteng naninikip ang dibdib sa Mangsee Island sa Balabac nitong Miyerkules ng umaga ilang oras bago ito maiulat na nawawala.