Inanunsyo ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo na naibaba na ng assault teams ang tatlo sa apat na nasawi dahil sa bumagsak na Cessna 340 sa dalisdis ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa pahayag ni Baldo, naibaba ang ikatlong bangkay sa Brgy. Anoling, Camalig, Albay, nitong Huwebes bandang 3:13 ng madaling araw, Marso 2.

Naibaba naman ang ikalawang nasawi bandang 1:07 kaninang madaling araw, habang pasado alas-7:00 kagabi naibaba ang unang labi.

Ayon kay Baldo, dala na ng rescue teams ang huling biktima ng nasabing pagbagsak ng eroplano at inaasahang maibababa mula sa dalisdis ng Mayon ngayong araw.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Upon completion, [they] will be turned over to the Scene of the Crime Operation (SOCO) and the Philippine National Police (PNP) for further assessment,” ani Baldo.

Sa isang press conference kagabi, binigyang-pugay ng alkalde ang mga rumerespondeng assault teams na binubuo ng mountaineers, local guides, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Naval Special Operations Group (NAVSOG), Energy Development Corporation (EDC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy, at iba pang volunteers.

"Marami pong tumulong, maraming nagdasal. Kaya, effort po 'to ng lahat,” saad ni Baldo.

Matatandaang nakuha na ng assault teams ang apat na bangkay ng mga nasawi sa bumagsak na Cessna plane noong Pebrero 25, ngunit kahapon lang sila nagkaroon ng pagkakataong maibaba ang mga biktima dahil sa sama ng panahon at madulas at matarik na daan sa Bulkang Mayon. Ang bangkay ng ikaapat ay hindi pa nila naibababa.

Bago matagpuan sa dalisdis ng nasabing bulkan, unang naiulat na nawawala ang nasabing Cessna 340 noong Pebrero 18 matapos itong lumipad galing sa Bicol International Airport para tumungo sana sa Maynila.

BASAHIN: Isang Cessna plane galing Bicol, nawawala – CAAP