Maglalaro muli sa Philippine Basketball Association (PBA) ang 6'6" power forward Danny Ildefonso matapos ang walong taong pagreretiro.

Ito ang kinumpirma ni Converge FiberXers head coach Aldin Ayo sa kanyang Facebook post at sinasabing gagampanan pa rin ni Ildefonso ang pagiging assistant coach ng kanilang koponan.

Naglabas na rin ng memorandum si PBA Commissioner Willie Marcial nitong Marso 2 upang ipaalam sa mga koponan sa PBA na kabilang na si Ildefonso sa active list ng mga manlalaro ng Converge kasunod ng pagpirma nito ng kontrata.

Binanggit din ni Marcial na pang-15 na manlalaro ng FiberXers si Ildefonso.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Si Ildefonso, 46, ay first overall pick ng San Miguel sa Rookie Draft noong 1998 kung saan ito nakatikim ng walong kampeonato.

Dalawang beses din siyang itinanghal bilangMost Valuable Player (MVP) sa nasabi ring koponan.

Huling naglaro si Ildefonso sa Meralco Bolts noong 2015.