Itinuring na ‘mission accomplished’ ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo ang operasyon ng pagresponde ng assault teams matapos nilang maibaba nitong Huwebes, Marso 2, ang ikaapat at huling bangkay na naging biktima ng bumagsak ng Cessna 340 sa dalisdis ng Bulkang Mayon sa Albay.

Inanunsyo ni Baldo ang balitang naibaba na ang huling bangkay pasado alas-7:00 ng gabi.

Samantala, una nang naibaba ang tatlong nasawi sa dalisdis ng Mayon kahapon at kaninang madaling araw.

BASAHIN: Tatlong bangkay sa bumagsak na Cessna 340, naibaba na!

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Dahil dito, opisyal nang isinara ng alkalde ang operasyon ng nasabing pagsagsak ng Cessna plane.

“After 13 days of intensive and exhausting operations, responders composed of mixed mountaineers, local guides, the Naval Special Operations Group (NAVSOG), the Philippine Army, Bureau of Fire Protection - Special Rescue Force (BFP-SRF), and the Philippine National Police (PNP) were able to search, retrieve, and safely drop off and secure the bodies of all the 4 onboard Cessna 340A under the direct supervision of the Incident Management Team (IMT),” ani Baldo.

“The search and rescue operations for Cessna 340A ran for more than 5 days until operations were shifted from rescue to retrieval, following the confirmation of the 4 passengers' actual location, identity, and situation,” dagdag niya.

Binanggit din ni Baldo ang mga tumulong na rumisponde sa bumagsak na Cessna 340 at pinasalamatan ang mga ito.

“Amid the steep slopes of Mayon, rockfall events, fogginess, strong winds, loose, damp, and slippery soils, and the risk of a possible phreatic eruption, the responders pushed through to accomplish one of Albay's most arduous whole-of-government and whole-of-society high-angle search and retrieval mission to date,” aniya.

Nakatakda na umanong i-turn over sa Scene of the Crime Operation (SOCO) ang mga labi ng pilotong si Rufino James T. Crisostomo Jr., mekanikong si Joel G. Martin, at ang dalawang Australian na pasaherong sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan para sa karagdagang imbestigasyon.

Nagpahayag naman si Baldo ng simpatya sa pamilya at kaibigan ng mga naging biktima ng pagbagsak ng Cessna plane.

Matatandang naiulat na nawawala ang nasabing Cessna 340 noong Pebrero 18 matapos itong lumipad galing sa Bicol International Airport para tumungo sana sa Maynila.

BASAHIN: Isang Cessna plane galing Bicol, nawawala – CAAP

Natagpuan naman ng mga awtoridad ang bahagi ng nasabing eroplano sa dalisdis ng Bulkang Mayon kinabukasan.

BASAHIN: Posibleng crash site ng nawawalang Cessna plane sa Albay, natagpuan