Isang security guard ng sikat na bakery-café restaurant sa loob ng mall ang pinuri ng isang "silent observant" na netizen matapos itong gawin ang mga bagay nang may kusa, kahit hindi naman ito bahagi ng kaniyang trabaho bilang sekyu.

Ayon kay Mike Portes, isang manunulat, naispatan niya ang sekyu ng "French Baker Philippines" sa SM Mall of Asia (MOA) na bukod sa pagbabantay at pagganap sa tungkulin bilang security guard, nagpapakita rin ito ng "extra mile" sa pamamagitan ng pag-assist sa mga customer na senior citizen, at paglilinis ng mga mesang ginamit.

Dahil dito, pinuri ni Portes ang sekyu at nagpadala ng mensahe sa manager ng bakeshop.

"I sent a PM to The French Baker Philippines FB page to commend their SG on duty at their SM Mall of Asia (MOA) branch. It’s not the responsibility of the SG to clean tables and care for pax but there he was, diligently attending to the full load of dine in pax - not just clearing the tables and serving service water but CARING for seniors as well! Just look at the smiles of the 2 seniors in the pics!," ani Portes na mababasa sa Facebook page na "Definitely Filipino."

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kabila ng kaniyang pagkukusa ay hindi naman daw napapabayaan ng sekyu ang kaniyang tunay na tungkulin at responsibilidad.

"Oh, he doesn’t neglect his SG duties as well. I witnessed his quick eye on an item left by a pax which he immediately turned over to management."

"But wait, there’s MORE! I asked the manager if I can hand him a 'little appreciation' for his efforts, so I did. When we left our table, we saw him approach the manager to hand over the tip! Masipag na, mabait pa!"

Dagdag pa ni Portes, "I hope that he is valued by the security agency and the #FrenchBaker branch for his efforts. His name is Noel Medina. Thank you for being an inspiration!"

Saludo kami sa iyo, Noel Medina!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!