May patutsada rin si Manay Lolit Solis sa dating Kapamilya actress na si Hope “Liza” Soberano matapos nitong basagin ang katahimikan tungkol sa panibagong tinatahak ng career.
Bilang parte ng show business, hindi napigilan ng talent manager na magsalita hinggil sa pahayag ni Liza.
"Iyon pagbubukas ni Liza 'Hope' Soberano ng pandora box, iyan ang laging hinaing ng bawat star na sandaling nakarating sa itaas. Pag nasa itaas na kasi sila para bang saka lang nila nakita iyon mga bagay na nagiging reklamo nila. Para bang utang na loob pa ng mga taong nakasama nila ang narating nila.Iyon false feeling of sacrifice na sinasabi nilang nangyari sa kanila. Iyon nawalan sila ng identity, iyon privacy, iyon naging para silang puppet," sey ni Lolit sa kaniyang IG post nitong Miyerkules, Marso 1.
"Hindi na lang sila magpa salamat na sumikat sila, na kumita sila ng malaki, na naging masarap ang buhay nila. Nakakatawa nga na pagkatapos magtamasa sa masarap na buhay, bigla may complain sila ng mga bagay na naging sacrifice nila. You pay something for whatever you get in life. You aspire for something high, dapat ready ka sa anuman bagay na kapalit nito.
"Kung gusto niya naging tahimik ang buhay niya, dapat hindi siya pumasok sa showbiz at nanatiling Hope Soberano for the rest of her life. Naging Liza Soberano ka, lahat ng dapat ibigay ng pagiging Liza Soberano mo ibigay mo kapalit ng magandang bagay na gusto mo makuha," paglalahad pa ni Lolit.
Sa isa pang karugtong na post, natatawa na lamang daw siya kapag may artistang nagsasabi na nawawalan sila ng privacy o nawawala ang kanilang identity.
"Nakakatawa mga stars na matapos gumanda ang buhay at kumita ng malaking pera bigla magsasabi na nawala ang privacy nila, identity. Hindi ba nila alam na katumbas ng malaking pera na kinikita nila, dapat mag sacrifice sila ng ilang bagay sa sarili nila? Ano iyon, basta na lang babagsak sa kandungan mo ang pera? Bawat pera na darating sa iyo may katapat na bagay. Nawala privacy mo, dahil naging kapalit iyon ng pera na kinita mo sa showbiz. Wala yatang propesyon na sinlaki ng ibinabayad ng showbiz ang kikitain mo. Shock nga mga doctors and lawyers na ang kinikita nila sa loob ng isang buwan ay bayad sa isang araw na trabaho ng isang big star. Malaki ang bayad sa isang artista, kaya malaki din ang sakripisyo na dapat nilang ibigay bilang kapalit.
"Funny that you complain about something that gave you the house, car, and all the things you are enjoying in your life now," aniya pa.
Ayon pa kay Lolit, 'false victim feeling' daw ang nadarama ni Hope ngayon. Kaya naman payo niya sa aktres na gumising daw ito sa katotohanan at maging 'thankful' na lamang.
"False victim feeling ang nadarama ngayon ni Liza 'Hope' Soberano. Wake up girl, gumising ka sa katotohanan ng buhay. Be honest in living your life. If you enjoy the aircon in your room, the ride in your car, just be thankful. Huwag na iyon pa eklay na para kang puppet. Huwag mag feeling profound o know it all dahil nega iyon. Just enjoy life. With or without Liza'Hope' Soberano, buhay parin mga taga showbiz. Ikaw ang may utang sa showbiz, at walang dapat tanawin na utang na loob sa iyo ang showbiz. Bongga di bah."
Samantala, nagbigayng mensahe si Hope sa mga taong nagsasabing “ungrateful” siya o walang utang na loob sa mga taong nagsilbing tulay upang sumikat siya sa showbiz at nabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/03/02/liza-soberano-may-tugon-sa-mga-nagsasabing-wala-siyang-utang-na-loob/