Usap-usapan at tila sinasang-ayunan ng mga kapwa netizen ang ibinahaging viral Facebook post ng isang nagngangalang "Angelo" matapos niyang maispatan ang isang basyo ng pinag-inumang kape mula sa isang sikat na coffee shop, na matapos mainuman ay basta na lamang inilapag sa kung saan-saan, sa halip na idiretso sa basurahan.

Ayon sa uploader, afford ngang bumili ng kape ang may-ari nito, subalit "bilasa" naman pagdating sa tamang akto ng pagtatapon ng basura.

Larawan mula sa FB ni "Angelo"

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Cleanliness is next to godliness."

"Pa-SB SB pa, balasubas naman. Daming ganyan."

"That's why don't go to Starbucks if you don't know how to throw away the one you bought. Nakakahiyang ugali."

"Itinuturo sa paaralan na kung wala kang makitang basurahan, i-uwi mo muna at doon mo itapon sa inyo, tutal naman, kalat mo naman 'yan. Wala na talaga ng basic good manners and right conduct ng karamihan ngayon."

Larawan mula sa FB ni "Angelo"

Hindi naman nabanggit o naipakita ng uploader kung sino ang nagtapon o nag-iwan ng basyong ito sa tabi ng kalsada.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!