ILOCOS SUR - Winasak ng mga awtoridad ang halos₱6 milyong halaga ng tanim na marijuana saBarangay Caoayan, Sugpon, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes.
Ang operasyon ay isinagawa ng Ilocos Sur Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (ISPO-PDEU), ISPPO-Provincial Intelligence Unit (ISPPO-PIU), 1st, 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company (PMFC), Alilem Police Station, PDEA Regional Office 1-Regional Special Enforcement Team (PDEA RO I-RSET), at PDEA Ilocos Sur Provincial Office (PDEA ISPO) sa Sitio Nagawa nitong Miyerkules, Marso 1.
Sa pahayag ni PDEA Region 1 chief, Joel Plaza, umabot sa 29,700 tanim na marijuana ang binunot sa 3,600 metro kuwadradong plantasyon.
Kaagad ding sinunog ang nasabing illegal drugs, ayon pa kay Plaza.