Ibinahagi ng English singer-songwriter na si Ed Sheeran na ang kaniyang asawang si Cherry Seaborn, ay na-diagnose na may tumor habang nagbubuntis noong nakaraang taon.

Habang dinadala ang pangalawang sanggol nila noong Mayo 2022, ay wala umanong treatment na pinagdaanan ang asawa dahil sa pagdadalang-tao nito na maaaring makaapekto sa bata.

"My pregnant wife got told she had a tumour, with no route to treatment until after the birth,” pagbabahagi niya sa isang interview.

Matapos ibahagi ang kalagayan ng asawa ay inanunsyo ni Ed Sheeran ang kaniyang ikalimang album na 'Subtract' ngayong darating na Mayo 5 na halos isang dekada niyang sinulat.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"I had been working on ‘Subtract’ for a decade, trying to sculpt the perfect acoustic album, writing and recording hundreds of songs with a clear vision of what I thought it should be,” aniya

Ang nalalapit na record ay repleksyon ng mga personal na karanasan ng singer sa "takot, depresyon at anxiety," na kaniyang pinagdaanan sa kaniyang karanasang iyon.

“Then at the start of 2022, a series of events changed my life, my mental health, and ultimately the way I viewed music and art."

Ipinaliwanag ng singer na dahil sa lahat ng karanasang ito, napagtanto niya na kailangan niyang ipaalam sa mga tagahanga kung ano ang nangyayari sa kaniya.