Pinagkalooban ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region ng pondo ang konstruksyon ng isang infirmary hospital sa bayan ng Lidlidda, na isang 5th class local government unit (LGU) at kabilang sa 2nd congressional district ng Ilocos Sur.

Sa isang kalatas nitong Huwebes, iniulat pa niRegional Director Paula Paz Sydiongco na naisagawa na nila anggroundbreaking sa nasabing infirmary hospital, sa Poblacion Norte, Lidlidda, nitong Pebrero 28, 2023 lamang.

Ayon kay Sydiongco, ang LGU ng Lidlidda ay isa sa mga recipients ng kanilang 2023 funding for capital outlay.

“Through the Health Facility Enhancement Program (HFEP), we are currently constructing primary care facilities, including infirmaries, in priority areas in the region which will be the foundation for the national healthcare provider network or referral system,” ani Sydiongco.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Sinabi ng regional director na ang konstruksiyon ng infirmary ay popondohan nila mula sa 2023 general appropriations act na may budget na P7 milyon para sa imprastraktura at P5 milyon para naman sa mga medical equipment.

Ang Lidlidda LGU ay magkakaloob rin naman umano ng P10 milyong budget, bilang kanilang share sa konstruksyon ng naturang health facility.

Aniya pa, ang infirmary hospital ay inaasahan nilang makapagbibigay ng mahahalagang serbisyong medikal, gaya ng isang out-patient-department, 24/4 emergency consultation, fully functional birthing at maternal, hospital admission at ward, laboratory primary clinical laboratory, pharmacy at dispensary.

“I am confident that this facility, once completed and functional, shall become a model health service provider and a benchmark for the implementation of universal health care in Ilocos Sur,” ani Sydiongco.

“Nagpapasalamat ako sa lokal na pamahalaan ng Lidlidda sa pangunguna ni Mayor Atty. Sherwin P. Tomas, dahil prayoridad ninyo ang kalusugan ng inyong mga constituents. Napakaimportante na madama ng tao ang pag-aalaga sa kanilang kalusugan, especially yung mga nasa malalayong barangay,” aniya pa.

“Let us continue working to achieve an even more health-related milestone as we move closer to achieve our vision of a Healthy Pilipinas,” pagtatapos pa ng health official.