Kapag nakarinig na ang mga bata at "feeling bata" ng kuliling ng maliit na bell, agad-agad na lalabas na sila sa kani-kanilang mga bahay upang salubungin ang mamang sorbetero upang bumili ng isa sa mga pamatid-init kapag panahon ng tag-init: ang sorbetes na inilalako o mas kilala bilang "dirty ice cream."

Subalit alam mo bang bukod sa apa at plastic cups, puwede rin itong ipalaman sa tinapay, partikular sa "monay" o buns?

Iyan ang patuloy na binabalikan ng mga netizen sa nostalgic Facebook page na "Batang Pinoy - Ngayon at Noon" lalo na ngayong malapit na ang pagpasok ng summer season.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Narito ang ilan sa mga pagbabalik-tanaw ng netizens.

"Favorite ko ‘yan. Noong araw, may nabibilihan niyan sa Villalobos, sa Quiapo. Maliit na bakery. Pili ka ice cream flavor. Avocado or ube for me."

“Sarap niyan! Nakita ko mga classmate ko way back 1981. Iyon ang snack nila sa umaga, nakita ko sarap na sarap sila kumain. Sabi ko sa sarili ko, try ko nga. Wow! Super! Simpleng pagkain pero walang katumbas na kaligayahan ang dala sa mga bata!”

"Yan lagi ko binibili sa mga nagtitinda ng ice cream, meron pa kaya nagtitinda n'yan ngayon?"

"Hanggang ngayon gusto ko 'yan pag ibinibili ako ng ice cream ng mga apo ko!"

"Yes, masarap ipalaman sa monay yung ice cream haha, alam kaya 'yan ng mga gen Z?"

Ikaw, naranasan mo na bang kumain ng monay na may palamang ice cream? Subukan mo na rin!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!