CAMP VICENTE LIM, Laguna -- Nasamsam mula sa isang Chinese national ang mga puslit na pekeng sigarilyo na nagkakahalagang halos P4 milyong sa isang entrapment operation sa Brgy. Del Remedios sa San Pablo City, Laguna nitong Miyerkules, Marso 1. 

Kinilala ng Police Regional Office 4-A ang suspek na si Xinglong Zhang, 34-anyos. 

Dinakip si Xinglon ng Regional Intelligence Division Regional Special Operation Unit 4-A nang magbenta ito ng mga kahon ng pekeng sigarilyo na nagkakahalagang ₱50,000 sa isang poseur-buyer.

Narekober ng pulisya na 184 na kahon ng iba't ibang klase brand ng sigarilyo na nagkakahalagang ₱3,741,000 at cash money na ₱205,000.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Paglabag sa Article 189 ng Revised Penal Code (RPC) violation of R.A 7394 (Consumer Act of the Philippines, R.A. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines), at R.A 1937 Tariff and Customs Code of the Philippines ang isasampa laban sa suspek sa tanggapan ng City Prosecutor sa San Pablo City.