ZAMBOANGA CITY – Nasa P1.3-milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasabat ng mga awtoridad sa dagat ng silangang baybayin ng lungsod na ito noong Martes, Pebrero 28.

Nagsasagawa ng seaborne patrol ang 2nd Zamboanga City Mobile Force Company at Bureau of Customs nang mamataan ang isang jungkong na may markang Maira.

Sa isang inspeksyon sakay ng barko, 38 master cases ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.330 milyon ang nadiskubre.

Tatlong tripulante mula Basilan ang nadakip.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naglalakbay umano ang bangka mula Sulu patungong Cotabato City nang maharang ito.

Liza Abubakar-Jocson