Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magagawan pa ng paraan upang makumbinsi ang mga transport group na huwag nang ituloy ang bantang tigil-pasada sa Lunes, Marso 6.

Sinabi ng Pangulo, dapat makapag-usap ang pamahalaan ang mga transport group kaugnay sa planong isang linggong transport strike.

"I'm hoping na dito sa mga initiatives natin eh nakumbinsi pa natin ang mga transport groups na huwag na munang mag-strike dahil kawawa talaga ang mga commuter at mas lalo pang maghihirap kapag hindi makapasok sa trabaho," anang Pangulo.

Gayunman, sakaling matuloy ang bantang tigil-pasada, magdaragdag ang pamahalaan ng libreng sakay para matugunan ang tinatayang dalawang milyong pasahero na maaapektuhan nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Bigyan natin sila ng extra na transportation, public transport sa pamamagitan ng ginagawa natin nung Pasko gawin natin it0," dagdag pa ng Pangulo.

Naghahanda na rin ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sakaling hindi na mapigilan ang bantang tigil-pasada.

Sinabi ni DoTr Secretary Jaime Bautista, nakipag-ugnayan na sila sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) AFP (Armed Forces of the Philippines) at PCG (Philippine Coast Guard) kung saan nangako ang mga ito na magpapakalat ng mga tauhan upang makapagbigay ng libreng sakay.