Walang nanalo ng jackpot para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) major lotto games nitong Miyerkules ng gabi, Marso 1.

Ang winning combination para sa Grand Lotto 6/55 ay 08-26-17-41-37-49 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P29,700,000.

Gayunpaman, 10 taya ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P100,000, at 492 na manlalaro ang nakakuha ng third prize na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado sa alas-9 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang masuwerteng numero para sa Mega Lotto 6/45 ay 42-44-04-07-01-13 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P8,910,000.

Sinabi ng PCSO na 15 taya ang tumama sa second prize na nagkakahalaga ng P32,000 at 980 na manlalaro ang nanalo sa third prize na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato