Walong taon matapos itanghal na ikalawang The Voice Philippines champion, isang brand-new music ang handog ni Jason Dy sa kaniyang fans.

Simula nitong Miyerkules, Marso 1, available na sa lahat ng streaming platforms ang kantang “Ulit-Ulit.”

Ang Kapamilya singer din ang nagsulat ng sariling single sa pangangalaga pa rin ng Star Music ng ABS-CBN.

Para ipagdiwang ang bagong era, hindi na makikita ang lahat ng dating Instagram posts ni Jason maliban na lang sa tatlong magkakasunod na promo para sa kaniyang single.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Sa darating na Biyernes, Marso 3, nakatakdang makita ng fans ang music video ng kanta.

Sa isang Facebook post ng singer ngayon ding Miyerkules, larawan ng tropeyong napanalunan sa The Voice ang ibinahagi ng singer bilang pag-alala sa kaniyang walong taong showbiz career.

Bumuhos naman ang pagbati kay Jason mula sa masugid na fans.

Si Jason ay nakilala sa mga kantang “Diyan Ba Sa Langit,” kaniyang version ng “Be My Lady,” bukod sa iba pa.

Congrats, Jason!